2 truckloads na tulong, ipapamahagi ng Caritas Manila sa Northern Luzon quake victims

Umaabot sa 2.3-milyong pisong halaga na tulong ang ipapamahagi ngayon ng Caritas Manila sa mga nasalanta ng 7.3-magnitude na lindol sa lalawigan ng Abra at iba pang karatig na lalawigan.

Ayon kay Father Anton CT Pacual – Caritas Manila Executive Director at Pangulo ng Radio Veritas 846, isasagawa ang pamamahagi ng tulong ngayong araw sa Arcdiocese of Nueva Segovia.

“Caritas loaded two trucks today for earthquake with the following items: For Nueva Segovia, Ilocos sur: Tent – 150 pcs, Mosquito Net – 300 pcs, Trapal with rope – 150 pcs, Blanket – 150 pcs, Mat – 150 pcs, Jerry can – 300 pcs, Pail w/ cover – 150 pcs, Washable facemask – 1,500 pcs,” pahayag ni Father Pascual sa Radio Veritas.

Sinabi ni Father Pascual na isang truck naman na tulong ang nakalaan para sa Diocese of Bangued sa Abra kung saan naitala ang epicenter ng lindol.




“For Bangued Abra: Tent – 150 pcs, Mosquito Net – 300 pcs, Trapal with rope – 150 pcs, Blanket – 150 pcs, Mat – 150 pcs, Jerry can – 300 pcs, Pail w/ cover – 150 pcs, Washable facemask – 1,500 pcs” ayon pa sa mensahe ni Father Pascual.

Unang tiniyak ng mga Social Action Centers ng ibat-ibang diyosesis ang pagtulong sa mga lugar na lubhang napinsala ng lindol.

Kahapon ika-31 ng Hulyo ay nagsagawa ang Diocese of Kidapawan at Archdiocese of Manila ng special collection sa lahat ng misa upang makalikom ng pondong ipapadala sa mga nasalanta ng 7.3 magnitude na lindol.