Congratulations to the New Archbishop of Manila, Archbishop Luis Antonio "Chito" Tagle!

New Archbishop of Manila
Archbishop Luis Antonio G. Tagle, D.D., S.T.D.

October 13, 2011 - Thursday

Tinanggap na ni Pope Benedict XVI ang retirement ni Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales.
 
Isinumite ni Cardinal Rosales ang kanyang retirement letter sa Santo Papa noong taong 2007 matapos marating ang retirement age para sa mga Obispo gayunman pinalawig pa ni Pope Benedict XVI ang termino niya bilang Kardinal ng Maynila.
 
Tumatak sa isipan ng mga Pilipino ang programa ni Kardinal Rosales na PONDO NG PINOY, HAPAG-ASA Feeding Program,Domus Mariae-isang low cost housing para sa mga maralitang taga-lungsod,pro-poor program para sa mga urban poor families sa pamamagitan ng Caritas Manila, pangunguna sa mga kampanya para pangalagaan at protektahan ang kalikasan.
 
“Magiging legacy ni Kardinal Rosales sa kanyang pagretiro ang katagang “anumang magaling kahit maliit basta malimit ay patungong langit” na slogan ng kanyang matagumpay na Pondo ng Pinoy program.
 
Sa pamamagitan ng isang kalatas na binasa mismo ni Cardinal Rosales sa Radio Veritas, itinalaga ni Pope Benedict XVI ang 54-taong gulang na si Imus Bishop Luis Antonio “Chito” Tagle na kapalit ni Cardinal Rosales bilang Arsobispo ng Maynila,ang sinasabing pinaka-maimpluwensiyang local church sa Filipinas.
Si Tagle ay inordinahang pari noong February 27,1982 at itinalagang Obispo ng Imus noong October 22, 2001 at inordinahang Obispo ng Imus noong December 12, 2001.
 
Kinilala si incoming Manila Archbishop Tagle bilang associate professor of Systematic Theology sa Ateneo de Manila University, nakamit niya ang MA in Theology noong 1982 sa Loyola School of Theology sa San Jose Seminary, nakuha nito ang Doctorate in Sacred Theology noong 1991 sa The Catholic University of America sa Washington D.C.
 
Naging elected member si Archbishop Tagle sa post-Synodal Council at naging Assistant ni Cardinal Angelo Scola na siyang general reporter ng Synod of Bishops sa Roma noong October 2005.
 
Isasagawa ang pormal na installation sa bagong Arsobispo ng Archdiocese ng Manila sa Manila Cathedral.

Si Archbishop Tagle ang magiging ika-32 arsobispo ng Maynila o Metropolitan of the eccsiastical Province ng Manila o de facto Primate of the Philippines.

http://www.veritas846.ph/article.aspx?articleID=625